LPA NA NAMATAAN SA HILAGANG LUZON, POSIBLENG MAGING BAGYO – PAGASA

Nasa loob na ng Philippine Area of Rtesponsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) sa hilaga ng bansa.

Ito ang kinumpirma ni PAGASA weather forecaster Glaiza Escullar sa panayam ng DZMM.

Alas-5:00 ng umaga anya nang mamataan ang sama ng panahon sa layong 90 kilometro hilaga hilagang-silangan ng Laoag City.

May posibilidad itong maging bagyo (tropical depression) sa loob ng 24-48 oras.

Tatawagin itong “Ester” na siyang panlimang bagyo sa bansa ngayong taon.

“Kaya asahan naman po sa ilang bahagi ng lugar sa norte na magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan,” pagtaya nito.

Partikular anyang apektado nito ang Batanes, Calayan at Ilocos Region at Cagayan.

Samantala magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila ngunit asahan pa rin ang pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa hapon o gabi.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/LPA%2C_nasa_loob_na_ng_PAR%3B_posibleng_maging_bagyo_.html

June 9, 2014 @ 10:10 AM