LPA, MAGPAPAULAN SA LUZON AT VISAYAS NGAYONG WEEKEND

cdbc545a1014f3811c62a7864f45d06b

Inaasahang uulanin ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa Low Pressure Area (LPA) ngayong weeked.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni PAGASA weather forecaster Manny Mendoza na huling namataan ang sama ng panahon sa layong 450 kilometro silangan ng Maasin, Southern Leyte.

Kumikilos ang LPA pa-kanlurang-hilagang kanluran at tinutumbok ang Silangang Visayas at Bicol pati na ang lalawigan ng Quezon.

Sa ngayon, maulap na papawiring may mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pulo-pulong pagkulog-pagkidlat ang mararanasanan sa mga naturang lugar.

Mababa ang tsansang maging bagyo ang LPA bagama’t hindi inaalis ng state weather bureau ang posibilidad na hahakot ito ng lakas habang nasa ibabaw ng karagatan.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/LPA%2C_magpapaulan_sa_bahagi_ng_Luzon%2C_Visayas.html

August 28, 2015 @ 05:27 PM