LIBRENG TAWAG SA ABROAD IPINORMA NG ISANG SMATPHONE APPLICATION

Nagbukas na rin ng libreng tawag ang isang smartphone application para sa kapakanan ng mga kababayan na sinalanta ng super bagyong ‘Yolanda’ sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng temporary service na binuksan ng smartphone app na Viber, puwede nang gumamit at tumawag nang libre ang mga Filipino user kahit regular call (at kahit Non-Viber users ang tatawagan) para makaugnayan ang mga kaanak na nasa abroad.

Walang bayad ang tawag at kailangan lang ay pindutin o i-click ang contact na nakalista sa Viber na gustong tawagan.

Pero dahil temporary service pa lamang, nililinaw ng mga nagmamando sa naturang aplikasyon na hindi lahat ng bansa ay puwedeng makakonek.

“You may have to restart your phone for this to work. To call someone using this service, go to any contact in Viber and tap any of the numbers listed next to ViberOut,” ayon sa panawagan ng Viber.

Puwede umanong sumangguni sa viber.com/typhoon para sa kumpletong listahan o full list ng supported countries.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://www.abante.com.ph

November 12, 2013 @ 09:02 AM