‘LAST WILL’ NG YUMAONG GLOBAL ICON NELSON MANDELA, ISASAPUBLIKO

JOHANNESBURG, South Africa – Nakatakdang isapubliko ang last will ng yumaong global icon na si Nelson Mandela, ngayong araw.

Ayon kay Constitutional Court vice president Dikgang Moseneke, ang Mandela foundation ang magsasapubliko sa last will and testament ng dating South African president.

Sinabi ng tagapagsalita ng foundation na si Danielle Melville na ang tiyak pa lang ngayon ay ang summary ng will ang babasahin.

Si Mandela ay pumanaw noong December 5 ng nakaraang taon. (Reuters)

 

 

NEWS ARTICLE FROM :  http://www.bomboradyo.com/news/international-news/item/42990-last-will-and-testament-ni-nelson-mandela-isasapubliko-ngayong-araw#sthash.KufIz4wd.dpuf

February 3, 2014 @ 10:52 AM