LAMP POST sa ROXAS BOULEVARD, BINABAKLAS bilang PAGHAHANDA sa APEC SUMMIT 2015

senator-bong-bong-marcos-2

Bilang bahagi ng paghahanda para sa APEC Summit sa darating na Nobyembre, puspusan na ang pagbabaklas ng mga lamp post sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson, bahagi ito ng beautification project ng Department of Tourism at DPWH ang implementing agency. Galing aniya ang pondo sa road board, ngunit wala pang hawak na datos ang kalihim hinggil sa inilaang pondo para sa naturang proyekto.

Sa ngayon, nasa bahagi na ng Rajah Sulayman ang binabaklasan ng mga lamp post.

Ang mga lumang multi-colored lamp post, na proyekto ni dating Manila Mayor Lito Atienza, ay papalitan ng mga LED lamp post.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/Lamp_posts_sa_Roxas_Blvd%2C_binabaklas.html

October 8, 2015 @ 06:57 PM