LA, NIYANIG NG 4.4 MAGNITUDE NA LINDOL

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang kanlurang bahagi ng Los Angeles, California, Lunes ng umaga, ayon sa U.S. Geological Survey (USGS).

Alas-6:25 ng umaga (oras sa Amerika) naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 6 milya hilaga-hilagang kanluran ng Westwood at 15 milya hilagang-kanluran ng downtown Los Angeles.

Unang inihayag ng USGS na magnitude 4.7 ang pagyanig.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/World

March 18, 2014 @ 09:18 AM