LA LAKERS JORDAN CLARKSON, PASOK SA LINE-UP NG GILAS PILIPINAS

binga-dam1

Pasok si Los Angeles Lakers Jordan Clarkson sa line-up ng Gilas Pilipinas para sa 2015 FIBA Asia Championship sa Setyembre sa China.

Kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios sa programang “Hardball” ng ANC na totoong may Philippine passport ang Lakers guard simula pa noong 12 anyos siya.

Hunyo 2004 aniya nakuha ang Philippine passport nito sa Estados Unidos.

“It was given to us in May when he visited this year.”

Pero paliwanag nito, pinaplantsa pa ang dokumento ni Clarkson sa FIBA para makalaro ito kumpetisyon.

“We submitted a copy of it to FIBA… for the formal approval of his eligibility. To make matters clear, we are not saying he is already eligible. We are in the process of seeking approval for his eligibility.”

Giit pa nito, “nothing is cast in stone yet.”

Bukod sa pagpapa-apruba sa FIBA, kailangan din ni Clarkson ng approval mula Los Angeles Lakers at ng National Basketball Association (NBA).

“Sigurado na bang maglalaro? The answer is wala pang kasiguraduhan. Nilalakad pa natin. We are going through a process on several camps.”

Kinumpirma pa nito na wala pang kontrata sa kanila si Clarkson.

“He cannot commit simply because he doesn’t have the eligibility yet, and because he doesn’t have the approval of Lakers yet, and we have not contracted him, frankly.”

Gayunman, kasama na si Clarkson sa training ngayong Miyerkules kasama ang ilang miyembro ng Gilas Pilipinas para maobserbahan ang sistema dito at makilala pa ang mga miyembro ng national team.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Sports/Jordan_Clarkson%2C_pwedeng_maglaro_sa_Gilas_pero….html

August 26, 2015 @ 06:07 PM