KUNG MATAGAL NANG NAIBIGAY ANG PRANGKISA, TRAPIKO DAW SA MAYNILA HINDI LALALA – VICE MAYOR ISKO

‚ÄúKung noon pa nabigyan ng prangkisa ang mga tricycle driver, hindi na sana lumala ang¬† trapiko sa¬† Maynila.‚ÄĚ

Ito naman ang binigyan diin ni Manila Vice Mayor Isko Moreno  sa kanyang pagdalo sa isinagawang regular  session sa konseho ng Maynila.

Ayon kay Moreno, napabayaan ng mga nakaraang  administrasyon ang  kapakanan at seguridad ng mga tricycle driver kaya’t  hindi na binigyan prayoridad ang  pagbibigay ng prangkisa sa  mga tricycle  kung saan lumobo ang  bilang  nito  sa mga nagdaang taon.

Subalit ngayon aniyang unti-unti nang inaayos ang mga tri-wheel vehicle madidisiplina na ang mga  ito kung saan magkakaroon ng sariling mga TODA at maiiwasan na pasukin ang mga lugar na ipinagbabawal.

Nakalulungkot lamang isipin na ang mga tricycle ay kadalasang nagagamit sa pamumulitika at nalilimutan na sa sandaling matapos ang  eleksiyon.

Paliwanag ni Moreno, ang serbisyo sa publiko ay hindi natatapos sa pamumulitika lamang. Mas dapat na  alisin ang pulitika  kung tapos na ang eleksiyon at sa halip ay harapin ang problema ng  walang  panunumbat.

Ngayon aniyang 357 na ang nabigyan ng prangkisa, titiyakin naman ng konseho na mabigyan pa ng prangkisa ang ibang tricycle upang  hindi na makaabala sa lansangan at sa  halip ay makapaghanap buhay ng  maayos.

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/psn-metro/2015/08/10/1486221/kung-matagal-nang-nabigay-ang-prangkisa-trapiko-sa-maynila-hindi-lalala

August 10, 2015 @ 08:54 PM