KASO NG MERS-CoV SA SAUDI, PUMALO NA SA 339

Umakyat na sa 339 ang mga kumpirmadong kaso ng Middle East Respiratory Syndrome coronavirus (MERS-CoV).

Ayon sa Saudi Health Ministry, 26 na mga kaso ang nadagdag nitong weekend lamang.

Sa ngayon ayon sa ahensiya, umaabot na sa 102 ang mga kumpirmadong patay dahil sa virus.

Sinabi ni Ministry of Health assistant undersecretary Dr. Abdullah Al-Asiri na hindi malinaw kung bakit biglang tumaas ang bilang ng mga biktima.

Napag-alaman na nagbitiw sa puwesto si dating Health Minister Abdullah bin Abdulaziz Al-Rabiah dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng MERS cases.

Nagpasaklolo na umano ang Saudi sa World Health Organization at sa mga health experts kaugnay sa krisis. (CNN)

 

NEWS ARTICLE FROM: http://bomboradyo.com/news/international-news/item/56426-mers-cases-sa-saudi-umakyat-na-sa-339-health-minister-nag-resign#sthash.w0ggfTI6.dpuf

April 28, 2014 @ 08:55 AM