KARANASAN SA PAGDALO SA KANONISASYON NG 2 BAGONG SANTO, HINDI MAPANTAYAN – PARI

Hindi mapantayan ang saya na nadarama ng mga pilgrims o mga debotong Katoliko sa personal na pagsaksi ng historic canonization nina Saint John Paul II at John XXIII.

Ito ang ibinahagi ni Fr. Joel Mozara na nasa Vatican at residente ng bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Fr. Mozara, personal niyang sinaksihan sa St. Peter’s Square ang kanonisasyon kasama ang mahigit isang milyong pilgrims.

Dagdag pa ni Fr. Mozara, masuwerte siya dahil maganda ang puwesto nito upang masaksihan ng mabuti ang isinagawang seremonya kasabay ng holy mass.

Aminado ito na kahit ang mga personal necessities gaya ng pagpunta sa comfort room ay kailangang pigilan ng mga pilgrims sa sobrang dami ng tao na parang hindi na makagalaw pa ang iba.

Ngunit sa kabila nito, hindi naging alintana sa mga pilgrims ang paghihintay hanggang matapos ang makasaysayang event.

 

NEWS ARTICLE FROM: http://bomboradyo.com/news/latest-news/item/56420-experience-sa-pagdalo-sa-kanonisasyon-ng-2-santo-di-mapantayan-pari

April 28, 2014 @ 08:58 AM