KAMPO ni PRESIDENT-ELECT RODRIGO DUTERTE, HINDI magso-SORRY tungkol PAHAYAG sa MEDIA KILLINGS

proxy

Iginiit ng kampo ni incoming President Rodrigo Duterte na walang dapat ihingi ng paumanhin ang susunod na pangulo ng bansa kaugnay sa naging pahayag nito ukol sa media killings.

Ayon kay incoming Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi lamang naunawaan ng iba ang nais ipahiwatig ni President Duterte sa na­ging pahayag nito ukol sa media killings partikular sa sinasabi nitong corrupt at bias na mediamen.

“You only apologize if you committed something wrong,” dagdag pa ni Panelo.

Aniya, inilahad lamang ni Duterte ang kanyang nalalaman pero hindi ito nangangahulugan na pinapaboran nito ang media killings.

Tuwirang tinukoy ni Duterte sa kanyang press conference na karamihan daw sa napatay na mga journalists ay mga corrupt at biased.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com:8080/bansa/2016/06/03/1589645/no-apology-digong-camp

June 3, 2016 @ 03:52 PM