KAMPO NI JANET NAPOLES, NAGTANGGAL MULI NG PANGALAN SA PORK SCAM LIST

Isa pang opisyal ng gobyerno ang ipinatatanggal ni Janet Lim-Napoles sa isinumiteng listahan ng mga sangkot umano sa multi-bilyong pork barrel scam.

Ayon kay Atty. Bruce Rivera, mali na idinawit nila si Cebu 1st District Representative Gerald Gullas Jr. sa anomalya.

Paliwanag nito, “Due to pressure to finish the second affidavit on the scheduled deadline, the name of Gerald Gullas was included in the transaction records of JLN… Last night, JLN noticed the mistake. It is not Gerald Gullas, but Eduardo Gullas.”

Ani Rivera, tanging apelyido ang nasa transaction records ni Napoles kaya inakala ng encoder na ito’y ang kasalukuyang kongresista.

Mariin nang itinanggi ni Gerald Gullas ang pagkakasangkot sa pork barrel scam lalo’t nasa unang termino pa lamang anya siya at hindi pa nakakatanggap ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) dahil ibinasura na ng Korte Suprema.

“I was not even a Congressman yet between the time Janet Napoles and her gang of thieves were plundering public funds, until they were finally caught. Secondly, from day one of my first term, my district never availed of any Priority Assistance Development Fund allotments – not a single centavo… Thus, the inclusion of my name in any of the so-called Napoles lists is downright inconceivable, even laughable,” pahaya ng mambabatas.

Magugunitang una nang binawi ni Napoles ang pangalan ni Sen. JV Ejercito sa kontrobersyal na listahan.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Kampo_ni_Napoles%2C_umamin_sa_1_pang_pagkakamali_sa_pork_list.html

May 29, 2014 @ 04:08 PM