KAMPANYA NG PILIPINAS SA OLYMPICS, NATAPOS NA

Kasabay ng pagkatalo ni Filipino-American rider Danny Caluag sa BMX semifinals, nagtapos na rin ang kampanya ng Pilipinas na makakuha ng gintong medalya sa 2012 London Olympics.

Si Caluag ang huling pag-asa ng bansa na makakuha ng unang gintong medalya sa Olympics.  Hindi nakalusot si Caluag sa semifinals, matapos ang limang run sa quarterfinals.  Sa unang run, natumba si Caluag kasama ang anim pang riders pero nakabawi ito at natapos sa ika-limang pwesto.  Sa ikalawa at ikatlong run, natapos ito sa ika-pito at ika-anim na pwesto.  Matapos ang limang run, nakaipon siya ng 29 puntos.

Binigyan ang mga rider ng mga puntos base sa kanilang posisyon matapos ang bawat run.  Ang may pinakamaliit na maiipong puntos ang papasok sa semifinals.

 

August 10, 2012 @ 11:46 AM