Kahit may BAGYO, METRO MANILA HINDI NAAPEKTUHAN dahil sa UMIIRAL na AMIHAN

alden-yayadub-044

Nagtataka ka ba kung bakit sa kabila ng malakas na hangin, hindi gaanong nakaranas ng malakas na ulan ang malaking bahagi ng Metro Manila kahit pa itinaas rito ang public storm signal number 2 sa pananalasa ng bagyong ‘Lando’? Ito ay dahil sa epekto ng northeast monsoon o hanging Amihan. 

Hindi gaya ng ma­lakas na buhos ng ulan na dinanas ng Northern Luzon na nagdulot ng ma­lawak na pagbaha, malakas na hangin at pabugsu-­bugsong pag-ulan lamang ang naranasan ng Metro Manila sa pananalasa ni ‘Lando’ kahapon.

Paliwanag ni Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Gener Quitlong, malaki ang naging papel ng Amihan dahil malamig at tuyo ang hanging ibinibigay nito mula Japan o Mainland China, sa bahagi ng Metro Manila, Ilocos Norte, Pangasinan at Bataan.

“Ang isang kadahila­nan kung bakit ganoon ang ulan niya ay dahil amihan na po, or north easterly winds na nanggaling ng Japan or mainland China ‘yung hangin. ‘Pag amihan po kasi, cold and dry na ‘yan. Hindi ganoon kadami ‘yung ulan,” ayon kay Quitlong.

Kabaliktaran naman ito sa dadanasin ng eastern side ng bansa, kabilang ang Visayas at Northern Luzon, kung saan nakatikim ito ng malakas na buhos ng ulan mula kay ‘Lando’.

 

 

SOURCe:

http://www.abante.com.ph/news/nat/36411/metro-iniligtas-ng-amihan.html

October 19, 2015 @ 01:19 PM