ISANG US SENATOR, HUMINGI NG ‘SORRY’ SA MGA PILIPINONG WWII VETERANS DAHIL SA HINDI MAGANDANG NASABI NITO UKOL SA BATAAN DEATH MARCH

Humingi ng tawad sa mga Filipino World War II veterans ang isang US se­nator kaugnay ng masamang nasabi nito hinggil sa Bataan Death March.
Sa pamamagitan ng social network na YouTube, ipinarating ni Ted Cruz (Republican, Texas) ang paghingi nito ng tawad sa mga Filipino World War II veteran sa masamang nasabi nito.
“Let me say to each of you, I apologize for ­causing offense. I should not have said what I did,” ayon kay Cruz, ng Senate Armed Services Committee.
Una nang hiningi ng mga nabubuhay pang WWII veterans kay Cruz ang public ­apology nito sa pagkukumpara sa ­Bataan Death March sa pagtayo nito nang matagal sa Senate floor.
Naka-post sa video caption ang pakikipagpulong ng nasabing senador sa Washington D.C. sa mga Pinoy WWII veteran na sina Celestino Almeda, 96, tagapagsalita ng nasabing grupo, at Maj. Jesse Bal­tazar, 93, na nagtanggol sa Bataan at naging prisoner of war.

 

NEWS ARTICLE FROM http://www.abante.com.ph/issue

http://www.abante.com.ph/issue/oct0313/abroad01.htm#.Uk2nvIZQFrw

October 3, 2013 @ 10:30 AM