IKALAWANG PINAKAMAINIT NA TEMPERATURA NGAYONG TAON, NAITALA SA TUGUEGARAO

Patuloy sa pagtaas ng naitatalang temperatura sa bahagi ng bansa ngayong tag-init.

Sa panayam ng DZMM kay PAGASA weather forecaster Meno Mendoza, inihayag nitong umabot na sa 37 degrees Celsius ang naitalang init sa Tuguegarao nitong Lunes.

Habang naitala sa 35.0 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila.

Asahang maglalaro pa rin sa kaparehong temperatura ang maitatala ngayong Martes.

Paliwanag ni Mendoza, kadalasang sa Tuguegarao naitatala ang pinakamataas na temperatura tuwing tag-init.

Ito’y dahil anya sa pagiging lambak ng lugar na napapaligiran ng kabundukan kung saan nakukulong ang init.

Samantala apektado ang Luzon ng ridge ng high pressure area (HPA) habang easterlies naman ang nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.

DAhil dito, makakaasa naman ng maaliwalas na panahon bukod na lamang sa pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Sa ngayon, wala pang nakikitang low presure area (LPA) ang PAGASA.

 

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

April 1, 2014 @ 10:05 AM