IKA-LIMANG ANAK NINA CONG MANNY PACQUIAO at VGOV JINKEE PACQUIAO, ISINILANG NA

Kasabay ng pagdedeklara bilang santo kina John Paul II at John XXIII, nagsilang na rin sa ika-limang anak nila ni Pacman si Sarangani Vice Gov. Jinkee Pacquiao.

Sa ngayon ay masayang-masaya ang buong pamilya Pacquiao sa Doctors Hospital sa GenSan kung saan nanganak si Jinkee.

Ganap na alas-3:22 kaninang hapon nang isilang si Baby Israel sa pamamagitan ng caesarian operation at tumimbang ng 8.1 pounds.

Sina Manny at Jinkee ay may dalawang anak na lalaki na sina Emmanuel Jr. at Michael, at dalawa ring babae na sina Princess, at Queen Elizabeth.

Batay sa impormasyon, nasa delivery room si Pacman nang dalhin sa nursery si Israel.

Una ng inihayag ni Pacman bago pa man ang naging tagumpay kay Timothy Bradley Jr., na inspirasyon nito ang ipinagbubuntis ni Jinkee.

Sa panig ni Jinkee, inamin nitong tumigas ang kanyang tiyan habang pinanonood ang laban ni Manny kay Bradley.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://bomboradyo.com/news/latest-news/item/56374-jinkee-isinilang-na-ang-ika-5-anak-nila-ni-pacman#sthash.iJpJ9DjP.dpuf

April 28, 2014 @ 08:45 AM