HINIHILING NA ‘CHRISTMAS VACATION’ NI CGMA, IPAUUBAYA NG MALACA√ĎANG SA KORTE

Ipinasa ng Palasyo ng Malaca√Īang sa Sandiganbayan at Pasay City Regional Trial Court ang pagpapasya kung papayagan o hindi ang Christmas furlough na hinihingi ni dating Pangulo at ngayo‚Äôy Pampanga‚ÄāRep.‚ÄāGloria Macapagal-Arroyo.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Communication Secretary Herminio ‚ÄėSonny‚Äô Coloma¬†na maging si Justice Secretary Leila de Lima ay¬†nagpasabi umano sa Palasyo na ipaubaya na lamang sa Sandiganbayan at maging sa Pasay court¬†ang desis¬≠yon kung papayagan ang hinihinging bakasyon ni Arroyo ngayong Pasko.

‚ÄúSa pagtatanong ko po kay Secretary De Lima, ipinapaubaya na po ng pamahalaan¬†sa hurisdiksyon ng Sandiganba¬≠yan at Pasay Regional Trial Court ang pagpapasya sa bagay na iyan,‚ÄĚ ani Coloma.

Nangangahulugan na hindi kokontrahin ng pamahalaan sakaling pagbigyan ng Sandiganbayan ang hinihinging Christmas vacation ni Arroyo nga­yong Pasko para makapi­ling ang kanyang pa­milya sa kanilang bahay.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.abante-tonite.com/issue

December 18, 2013 @ 06:47 AM