HENRY SY, NANANATILING ‘RICHEST MAN’ PA RIN SA PILIPINAS

cdbc545a1014f3811c62a7864f45d06b

Nananatiling pinaka mayamang tao sa Pilipinas ang SM mall magnate na si Henry Sy sa ika-walong pagkakataon ngayong 2015.

Ito ay bunga na rin ng pagtaas ng net worth ni Sy mula sa kanyang conglomerates, SM Investments ng 17 percent at SM Prime Holdings ng may 20 percent sa nakalipas na taon.

Ayon sa Forbes, si Sy ay may asset ngayon na umaabot sa $14.4 bilyon, sinundan ni John Gokong­wei Jr. – $5.5 bilyon, Andrew Tan – $4.5 bilyon, Lucio Tan – $4.3 bilyon, Enrique Razon Jr. – $4.1 bilyon, George Ty – $4 bilyon.

Sinundan ng Aboitiz Family – $3.6 bilyon, Jaime Zobel de Ayala & family – $3.5 bilyon, David Consunji – $3.2 bilyon at Tony Tan Caktiong – $2.2 bilyon.

Ang net worths ay base sa stock prices at exchange rates sa merkado noong August 14, 2015.

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/28/1493026/henry-sy-richest-pa-rin

August 28, 2015 @ 05:37 PM