HEALTH CONDITION ni CGMA, LUMALALA

grace-poe-presidential-promises-2016

LUMALALA na umano ang kalusugan ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa anak ni Arroyo na si Luli Arroyo-Bernas, hindi umano nagbabago ang kondisyon ng kanyang ina na naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City na humaharap sa kasong plunder dahil sa maling paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Her condition is not improving, unfortunately,” ani Arroyo-Bernas sa pagtitipon ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1991 sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig.

Si Arroyo-Bernas ay isa sa mga honorary member ng PMA Sambisig Class.

Duda naman si Luli kung pagbibigyan ng Pangulong Noynoy Aquino ang kanilang hirit na isailalim sa house arrest ang kanyang ina.

Gayunman, naniniwala pa rin si Luli na papayagan ng korte na makapagpiyansa ang dating pangulo.

Una rito, iginiit ng United Nations Working Group on Arbitrary Detention na ang patuloy na pagpapakulong kay Arroyo ay paglabag sa international law.

 

SOURCE

http://www.remate.ph/2015/11/kondisyon-ni-cgma-lumalala/

November 9, 2015 @ 07:47 PM