‘HANNA’, PUMASOK NA SA PAR – PAGASA

soudelor

Pumasok na sa Philipine Area of Responsibility ang super typhoon “Hanna,” ayon sa state weather bureau ngayong Miyerkules ng umaga.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo na may international name na “Soudelor” sa 1,380 kilometro Silangan ng Calayan, Cagayan kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ni Hanna ang lakas na aabot sa 215 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 250, habang gumagalaw pakanluran hilaga-kanluran sa bilis na 20 kph.

Hindi tatama sa kalupaan ang bagyo ngunit palalakasin nito ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao, maging sa lalawigan ng Palawan.

Inaasahang sa China o Taiwan mararamdaman ang hagupit ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Tinatayang sa Biyernes o sa Sabado pa makalalabas ang bagyo dahil sa bagal ng paggalaw nito.

SOURCe:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/05/1484813/super-typhoon-hanna-pumasok-na-sa-par

August 5, 2015 @ 02:38 PM