HANAY ng ARMED FORCE of the PHILIPPINES, HINDI SUSUNOD sa UTOS ng SIRAULONG PRESIDENTE

proxy

Kasabay ng kanilang kumpirmasyon, ipinahiwatig kahapon ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdinig ng committee on national defense ng Commission on Appointment (COA) na hindi sila susunod sa utos ng isang ‚Äúlunatic‚ÄĚ o sira-ulong presidente sakaling iutos nito na pagbabarilin ang mga sibilyan.

¬†Sa pagdinig ng committee on national defense ng Commission on Appointments, nagbigay ng isang ‚Äúhypothetical‚ÄĚ na tanong si Senator Antonio Trillanes IV kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla kung ano ang magiging aksiyon ng militar sakaling ipag-utos ng pangulo ng bansa na barilin ang mga sibilyan.

Bilang sagot, inihalimbawa ni Padilla ang sitwasyon noong People Power I kung saan napatalsik ng pinagsamang puwersa ng sibilyan at militar si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Padilla, kung babalikan ang history ng bansa, hindi nagpaputok ang militar ng kahit isang bala.

Kasama si Padilla sa 198 na senior officers ng AFP na nakalusot sa makapangyarihang CA. Wala kahit isang miyembro ng CA ang humarang sa appointments ng mga opisyal.

Samantala, nakalusot rin sa CA ang 28 opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

 

 

SOURCE:

http://www.philstar.com:8080/bansa/2016/06/02/1589249/militar-di-susunod-sa-utos-ng-sira-ulong-presidente

June 3, 2016 @ 04:13 PM