HALOS 600 OVERSTAYING OFW’s SA SAUDI, INARESTO NG SAUDI POLICE KAUGNAY PA RIN NG

Inaalam na rin ng Philippine Consulate sa SaudI Arabia ang ulat na may 600 Filipino workers ang nasa mga detention facilities ngayon sa Saudi Arabia, sa gitna nang pinaiiral na crackdown ng Saudi government sa mga illegal at undocumented foreign workers.

Ayon sa ulat, inaresto umano ng Jeddah police at immigration officials ang mga kababayan, kung saan kabilang umano ang ilang mga bata sa Rehab area.

Binanggit din sa report na isinakay ang mga ito sa 12 bus at dinala sa isang deportation center sa Makkah.

Sa panig ni Philippine Consul General Uriel Garibay, tiniyak nito na patuloy ang ginagawang “arrangements” ng pamahalaan sa Saudi Foreign Ministry para matulungan ang mga stranded Filipino workers na maka-uwi agad sa Pilipinas.

Una rito, pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may naarestong 15 undocumented Filipino workers sa Riyadh, Saudi Arabia, batay na rin aniya sa report ng Embahada ng Pilipinas sa walong istasyon ng pulis sa Riyadh.

 

CHECK OUT: http://www.bomboradyo.com/news/latest-news/item/31304-600-pang-overstaying-filipinos-inaresto-ng-saudi-authorities-report#sthash.Twy0aEUO.dpuf

November 12, 2013 @ 07:55 AM