‘GRABCAR’ NAGHARAP na ng ACCREDITATION sa LTFRB

grabcar-logo

Naghain na ang “Grab Car” sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRB) ng aplikasyon para sa transport network vehicle service.

Martes, bago ang Agosto 20 na deadline ng LTFRB, isinumite ni Grab Car managing director Brian Cu ang walong kahon na naglalaman ng mga aplikasyon. Bawat kahon ay naglalaman ng 160 aplikasyon.

Lumalabas na higit 100,000 mga pribadong sasakyan ang accredited at may tie-up sa transport service application na Grab Car.

Lunes una nang naghain ng aplikasyon sa LTFRB ang isa pang smartphone application-based transport service na Uber.

 

 

SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/%27GrabCar%27%2C_naghain_na_rin_ng_accreditation_sa_LTFRB.html

August 18, 2015 @ 05:46 PM