GILAS, NASUNGKIT ang MEDALYANG PILAK sa WILLIAM JONES CUP

download

Dinispatsa ng Philippine national basketball team ang Chinese Taipei-B, sa iskor na 96-67, dahilan para makamit nito ang silver medal sa William Jones Cup Linggo sa Xinzhuang Stadium sa Taipei.

Winakasan ng Gilas Pilipinas ang torneo sa 6-2 win-loss record, sa ilalim ng Iran na nagtala ng 7-1.

Natalo lamang ang mga Pinoy sa South Korea at Iran sa nine-team tournament.

Binuhat ni Gary David ang Gilas sa kanyang 22 points, habang tumipa naman ng 15 si Jayson Castro at 12 si Maola Tautuaa.

Naungusan ng Pilipinas ang Chinese Taipei ng tatlong puntos sa unang quarter, 24-21, 26-11 sa ikalawa, 32-21 sa ikatlo’t hanggang tuluyan nang napag-iwanan ang kalabang koponan.

Bago padapain ang Chinese Taipei-B, una nang namayagpag ang Pilipinas laban sa Taipei-A (77-69), Spartak Primorye (85-71), Japan (75-60), Wellington Saints (92-88), at USA Overtake Select (78-74).

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Gilas_Pilipinas%2C_nasungkit_ang_pilak_sa_Jones_Cup_.html

September 7, 2015 @ 06:19 PM