FOREIGN STUDENTS SA BANSA, NADAGDAGAN ANG BILANG; MGA KOREANO, NANGUNGUNA SA LISTAHAN

Dumami pa ang mga dayuhang estudyante na nais mag-aral sa Pilipinas.

Ayon kay Atty. Elaine Tan, spokesperson ng Bureau of Immigration (BI), nakapaglabas na ang kawanihan ng 5,719 student visa sa mga foreigner, mahigit 1,530 dito ay mga Korean.

Sumunod sa pinakamaraming foreign students ay galing sa India na nakapagtala ng 1,069 enrollees habang nasa ikatlo at ika-apat ang mga Iranian at Chinese.

Marami ring enrollees mula sa Nepal, Nigeria at iba pang bansa.

Ani Tan, dahil ito sa mahusay na pagsasalita at epektibong pagtuturo ng Ingles ng mga Pilipino.

Karamihan ng mga foreign student ay naka-enroll sa mga unibersidad at kolehiyo sa Kamaynilaan tulad ng Centro Escolar Unviersity (CEU), Adventist University of the Philippines (AUP), University of the East (UE), Far Eastern University (FEU), Manila Central University (MCU), University of Sto. Tomas (UST), Jose Rizal University (JRU) at De La Salle University (DLSU).

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Foreign_students_sa_Pilipinas%2C_dumami_ngayong_taon%3B_mga_Koreano%2C_nangunguna.html

May 29, 2014 @ 04:29 PM