FISHING BOAT NG VIETNAM, PINALUBOG NG CHINESE VESSEL ?

Pinalubog ng Chinese vessel ang isang Vietna­mese fishing boat na may sakay na 10 mangingisda makaraang banggain ‘di kalayuan sa oil rig ng una sa South China Sea.

Ayon sa ulat, sinabi ni Vietnam coast guard commander Nguyen Quang Dam na nangyari ang insidente sa layong 17 nautical miles mula sa oil rig sa Paracel islands na pawang inookupahan at inaangkin ng dalawang bansa.
Ligtas namang nasagip ang 10 mangingisda.

 

SOURCE: http://www.abante.com.ph/k2-tags/news/abroad2/6318/vietnamese-boat-pinalubog-ng-china.html

May 29, 2014 @ 04:07 PM