FILIPINO FLASH, BAGONG KAMPEON NG WBO FEATHERWEIGHT via TECHNICAL DECISION

Nasungkit ni Nonito “Filipino Flash” Donaire via technical decision ang WBA featherweight championship matapos talunin ang dating kampeon na si Simpiwe Vetyeka ng South Africa sa kanilang paghaharap sa Cotai Arena sa Macau, Sabado ng gabi.

Matagumpay ang Pinoy boxer matapos ang duelo sa kabila ng tinamong hiwa sa kaliwang mata bunsod ng headbutt na nasalo nito.

Itinigil ng referee ang laban sa pag-uupmpisa ng ikalimang round bunsod ng pagdaloy ng dugo sa malaking sugat ni Donaire at idinaan sa desisyon ang resulta ng laban .

Nagwagi si Donaire matapos paboran ng tatlong judge sa iskor na 49-46.

Bago pa nito, nagawang maatake ni Donaire at mapaulanan ng mga suntok si Vetyeka sa ikatlong round, at pagsapit ng dulo ng ika-apat na round, nagawang mapakapit ng Pinoy ang South African matapos itong makatama ng straight at left hook.

Sa post-fight interview, paghingi ng dispensa sa fans ang nabitaw ng Pinoy.

“I’m sorry that I was unable to give you guys a proper fight,” ani Donaire.

“I cannot take the victory of this unfinished business. He’s a great fighter, I wanna give him that rematch,”

Sa pagkakakuha ng WBA title, ito na ang ikalimang world title ni Donaire kasama ang isang interim crown nito.

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Sports/Donaire%2C_bagong_WBA_featherweight_champion%3B_wagi_vs_Vetyeka_via_technical_decision_.html

June 1, 2014 @ 08:14 PM