‘FACIAL COMPOSITE SKETCH’ NG MIYEMBRO NG UMANO’Y MARTILYO GANG’ NA NANLOOB SA SM CITY NORTH EDSA, INILABAS NA NG OTORIDAD

Inilabas na ang facial composite sketch ng mga suspek na miyembro ng Martilyo Gang na nanloob sa F&C Jewelry sa SM North Edsa.

Ito’y matapos mapanood ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang kuha ng CCTV sa naturang mall.

Ayon kay Police Chief Inspector Rodelio Marcelo, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), mas mapapadali ang pagtugis sa mga suspek dahil nakita sa video ang kanilang mukha.

Nais anyang alamin ng mga awtoridad kung bagong sibol na Martilyo Gang o parehong grupo ang responsable pagsalakay ng ilang mall nitong mga nagdaang buwan.

Pag-aaralan din ang mungkahing huwag munang ibigay sa mamimili ang mga martilyo o kutsilyo na binibili sa mga hardware.

Sinabi ni Marcelo na hindi pa rin tiyak ang halaga ng mga natangay na alahas sa SM North, Sabado ng gabi. Pero ayon sa unang ulat, tinatayang nasa P5 milyon ito.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro

December 17, 2013 @ 05:52 AM