“EXAMINE OUR INDIVIDUAL CONSCIENCE” – PNoy

“Take this opportunity to undertake small sacrifices, and to examine our individual consciences”.

Ito ang mensahe ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga Katolikong Filipino kahapon kasabay ng pagsisimula ng Semana Santa para lalo umanong mapatatag ang pananampalataya at pagkakaisa para sa bansa.

Sa binasa ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kahapon na mensahe ni Aquino, ang panahong ito ay panahon ng mas mahigpit na pananampalataya at sakripisyo tulad ng pagsasakripisyo ni Hesu-Kristo para iligtas sa kasalanan ang sanlibutan.

“For those undertaking the Ash Wednesday rituals today, let us bear in mind what Scripture says: For dust you are and to dust you will return. This reminds us that it is only through authentic service to our neighbors, and the commitment to truth and justice, that we can bring about meaningful change in our respective communities,” ayon kay Lacierda.

 

 

NEWS ARTICEL  FROM : http://www.abante.com.ph/issue

 

March 6, 2014 @ 09:32 AM