EX-ATHLETE DAVID BUNEVACZ, HILING ANG HUSTISYA PARA SA AKTOR NA SI VHONG NAVARRO

Nagsalita na ang dating atletang si David Bunevacz, na dating kasosyo sa negosyo ni Cedric Lee at sinasabing naabuso rin ng negosyante.

Si Bunevacz at kanyang asawang si Jessica Rodriguez na umano’y nakaalitan din ni Lee ay nababanggit sa kontrobersya ng pambubugbog kay Vhong Navarro.

Sa isang press statement na ibinigay sa ABS-CBN ni Rodriguez, sinabi ni David na mula nang mabalitaan ang nangyari kay Vhong, bumalik ang masakit na alala ng umano’y pisikal at emosyonal na dinanas nito pitong taon na ang nakalilipas.

“Like Vhong, i was wrongfully accused, held against my will, physically violated, terrorized and death-threatened. It was in 2007 when we decided to leave the country for fear of our lives and the lives of our children. It was as if the rug was pulled from under our feet in an instant,” pahayag ni Bunevacz.

Gaya aniya ni Vhong, pinaratangan din siya ni Lee ng umano’y mga maling akusasyon at pinagbantaan ang kanyang buhay pati ang kanyang pamilya dahilan upang mapilitan silang mag-migrate na sa Amerika.

“What happened to Vhong is not the first time such a crime had been committed. It is clear that evil deeds are being exposed. I pray that this will be the last time that it will happen,” dagdag pa niya.

Umaasa si Bunevacz na makakamit ni Vhong ang hustisya.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Entertainment

February 3, 2014 @ 11:20 AM