ESTUDYANTE ng mga STATE COLLEGES at UNIVERSITIES, NAGKASA ng NATIONWIDE WALKOUT

binga-dam1

Nagkasa ng nationwide walkout ang mga estudyante mula sa State Colleges and Universities bilang protesta sa pagbabawas ng kanilang pondo para sa 2016.

Pangungunahan ito ng National Union of Students of the Philippines at Rise for Education Alliance sa Huwebes.

Bagama’t P43.8 bilyon ang pondo para sa 2016 na mas mataas kumpara sa P42.3 bilyong pondo ngayong taon, babawasan ang budget ng 59 na unibersidad para sa kanilang capital outlay at maintenance and other operating expenses (MOOE).

Sa budget hearing ng CHED, nabatid na kabilang sa babawasan ng budget ang University of the Philippines, sa kabila ng problema nito sa dormitoryo at classrooms.

 

 

SOURCe:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/Nationwide_walkout%2C_idaraos_ng_mga_estudyante_laban_tapyas-pondo.html

August 26, 2015 @ 05:56 PM