EL NIÑO 2015, PINAKAMATINDI SA KASAYSAYAN – PAGASA

drought_812BE42487004A959A9DB81A338A3156

Pinangangambahang pinakamatindi sa kasaysayan ang El Niño phenomenon na umiiral sa bansa.

Sa panayam ng DZMM, inihayag ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section chief Anthony Lucero na taliwas sa kanilang unang pagtaya na magi­ging panandalian lamang ang naturang El Niño ay lumakas pa ito.

“Noong Marso po ay opisyal na nagpahayag ang PAGASA na mayroon na tayo ngayon na El Niño. Itong El Niño na ito noong sinabi po namin noong month na ‘yun, mahina pa po at inaasahan nating magtatapos agad,” sabi ni Lucero.

“Kaya lang po, in the following months, nakita po namin ‘yung development, naging malakas at tingin po namin ay magiging malakas po ito. Sa pangkasalukuyan po, ang El Niño na nagaganap ngayon ay nasa moderate El Niño range. Ito po ay inaasahang magiging ma­lakas na El Niño, perhaps, it will be the strongest El Niño ever recorded in history.”

Inaasahan anyang mas matindi pa ito sa nangyaring El Niño noong 1997 at 1998.

Tinataya aniyang mas titindi pa ang epekto ng El Niño simula ngayong Oktubre hanggang Mayo 2016 pero ang pinakasukdulan ng epekto nito ay inaasahang mararanasan sa Disyembre hanggang Pebrero.

Sa ngayon, hindi pa masyadong maramdaman ang epekto nito dahil sa tag-ulan bagama’t may mga lalawigan partikular sa Visayas at Mindanao na labis nang naapektuhan.

Binanggit din ni Lucero na maaaring may kinalaman sa climate change ang El Niño bagama’t hindi pa talaga nila nakokonekta ang dalawa.

 

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/09/1485915/nararanasang-el-nino-pinakamatindi-sa-kasaysayan

 

 

drought_812BE42487004A959A9DB81A338A3156

August 9, 2015 @ 09:52 AM