ECONOMIC EMBARGO sa CUBA, INAASAHANG MATATANGGAL sa PAGDALAW ni POPE FRANCIS

mamasapano-maguindanao-philippines-saf-20150128-011

Umaasa ang Vatican na maging daan ang pagdalaw ni Pope Francis sa Cuba para matanggal na ang economic embargo ng Amerika laban sa komunistang bansa.

Sinabi ni Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin na noon pa man ay tutol na ang Vatican sa trade at economic embargo sa Cuba.

Ayon kay Parolin, ang apektado nito ay ang mga ordinaryong mamamayan ng Cuba.

Dahil sa pahayag na ito ni Parolin inaasahang babanggitin ni Pope Francis sa apat na araw na biyahe sa Cuba, ang tungkol sa economic embargo.

Isa si Pope Francis sa mga nagsilbing tulay sa pagbalik sa normal ng relasyon ng Amerika at Cuba matapos ang higit 50 taong Cold War.

Mismong si U.S. President Barack Obama ang pumi-pressure ngayon sa U.S. Congress na tanggalin ang economic embargo laban sa Cuba.

 

 

SOURCe:

http://www.bomboradyo.com/news/international-news/item/121688-pope-visit-sana-makatulong-para-matanggal-ang-economic-embargo-sa-cuba-vatican#sthash.gtBcs8RC.dpuf

September 18, 2015 @ 05:41 PM