DUTERTE, PWEDENG MAGBAGO ang ISIP na KUMANDIDATO sa pagkaPANGULO kung PATULOY na PAHIHIRAPAN ang mga PINOY

Davao-OCIO-Duterte-for-president

Sa kasagsagan ng mga isyu sa bansa, hindi ikinatutuwa ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang aniya’y pang-aapi sa mga Pilipino, kaya naman ito ang maaaring maging dahilan niya sa pagbabago ng isip at tumakbo bilang pangulo sa 2016.

 “I do not like the way oppressed Filipinos are being treated now. They are oppressed and have no one to turn to,” pahayag ni Duterte sa kaniyang lingguhang palabas na “Gikan sa Masa, para sa Masa.”

“If they keep letting Filipinos suffer, I might just decide to run as president,” dagdag niya.

Sinabi ito ni Duterte sa kasagsagan ng isyu ng “tanim bala” sa mga paliparan, kung saan mga ordinaryong Pilipino, karamihan ay overseas Filipino workers ang umano’y naging biktima.

Ilang beses nang iginiit ng alkalde na hindi siya tatakbo para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno, ngunit mayroon siya hanggang Disyembre 10 upang ihabol ang kaniyang kandidatura sa Commission on  Elections (Comelec).

Mayroon pang tsansang makatakbo si Duterte bilang pangulo matapos umatras si Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) presidential candidate Martin Diño at pangalanan siyang substitute

Nilinaw naman ng Comelec na kailangang maghain ng PDP-Laban ng panibagong certificate of nomination at acceptance para kay Duterte.

Hindi magiging opisyal ang substitution ng alkalde kay Diño kung hindi pumayag si Duterte.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/bansa/2015/11/09/1520070/kung-patuloy-na-pahihirapan-ang-mga-pinoy-tatakbo-akong-pangulo-duterte

November 9, 2015 @ 08:05 PM