DUTERTE, KIMUPIRMANG HINDI TATAKBO sa PAMPANGULUHANG ELEKSYON sa 2016

Rody-Duterte-interview

Muling inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte ngayong Lunes na hindi siya tatakbo bilang pangulo sa 2016 elections.

“Hindi ako tatakbo sa pagkapresidente. I’m sorry,” pahayag ng alkalde na inabangan ng publiko sa Grand Hotel Menseng, Davao City.

Bago ang kaniyang pahayag kanina ay marami ang nagsasabing pormal nang idedeklara ni Duterte ang kaniyang pagtakbo sa susunod na taon.

Nitong Mayo ay may kumalat pa sa social media na leaked campaign video ad ni Duterte na kalaunan ay umere na rin sa mga telebisyon.

Sa ngayon ay tanging sina Bise Presidente Jejomar Binay at Interior secretary Roxas pa lamang ang kumpirmadong maglalaban para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/bansa/2015/09/07/1497034/hindi-ako-tatakbo-sa-pagkapresidente-duterte

September 7, 2015 @ 06:27 PM