DFA, IBINABA SA ALERT LEVEL 1 ANG KRISIS SA THAILAND

Ibinaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa level 1 ang crisis alert sa Thailand.

Kasabay nito ang pag-alis ng Thailans sa ipinatupad na curfew doon.

Sa alert level 1, inaabisuhan ang mga Pinoy na mag-ingat at magmanman kasabay ang pag-iwas sa mga lugar na may demonstrasyon.

Una nang itinaas ng DFA sa alert level 2 ang sitwasyon kasunod ng pagdedeklara sa bansa ng martial law.

Ayon kay DFA Sec. Albert Del Rosario, ginawa nila ang pagbaba ng alert level dahil sa gumagandang political situation doon.

Inalis na rin ng DFA ang deployment ban sa mga overseas Filipino worker (OFW) na dati nang may kontrata o bago pa lang magtatrabaho sa Thailand.

 

SOURCE: http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/World/Crisis_alert_level_sa_Thailand%2C_ibinaba_ng_DFA_sa_level_1.html

June 16, 2014 @ 07:02 PM