DAGDAG-BAWAS PRESYO SA MGA PRODUKTONG PETROLYO, UMARANGKADA NGAYONG ARAW

Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong Martes.

Alas-6:00 ng umaga, tinapyasan ng Petron, PTT Philippines, Seaoil at Total ng P0.55 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Pero nagtaas naman sila ng P0.40 sa kada litro ng gasolina.

Hindi naman isinali ng Petron sa panibagong paggalaw ang Aklan, Bohol, Leyte at Samar na sinalanta ng mga nagdaang kalamidad.

Ang pagbabago ay bunsod anila ng paggalaw sa presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

December 17, 2013 @ 07:25 AM