CUSTOMS, IBABALIK ANG P6K TAX NG BOKSINGERANG SI JUJEATH ‘BAD GIRL’ NAGAOWA

cdbc545a1014f3811c62a7864f45d06b

Matapos kumalat sa internet ang pagpataw ng buwis sa championship ng isang boksingera, nakatakdang ibalik ng Bureau of Customs ang ibinayad ni Jujeath “Badgirl” Nagaowa.

Sa isang panayam ni Philippine STAR columnist Boo Chanco, sinabi ni Lina na ibabalik nila kay Nagaowa ang kaniyang ibinayad na P6,000 matapos itong buwisan ng isang tauhan ng Customs.

Nanaig si Nagaowa sa Women’s International Boxing Association light flyweight kontra kay Chinese boxer Lou Yu Jie noong Hunyo 6 sa Macau.

Dahil hindi pa tapos magawa ang championship belt, ipinadala na lamang ito kay Nagaowa sa Pilipinas ngunit laking gulat niya na kailangan niyang magbayad ng buwis upang makuha ito.

Sa kainitan ng isyu sa manu-manong pagbubukas ng Customs sa mga balikbayan box, kumalat ang Facebook post ng boksingera.

Sinabi ni Lina na hindi dapat ito binuwisan dahil ito ay napanalunan ng atleta.

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/28/1493301/customs-ibabalik-ang-p6k-tax-ng-boksingera-para-sa-championship-belt

August 28, 2015 @ 05:30 PM