COFFEE SHOP NG BROADCASTER NA SI ANTHONY TABERNA, PINAULANAN NG BALA

cdbc545a1014f3811c62a7864f45d06b

Tinadtad ng bala ang bagong bukas na coffee shop ni ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna ngayong Biyernes sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa mga ulat, walong tama ng bala ng kalibre .45 ang tumama sa Ka Tunying’s Cafe sa Visayas Avenue sa Quezon City kaninang madaling araw.

Narekober din sa paligid ng establisyamento ang 15 basyo ng bala.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Base sa kuha ng surveillance camera, apat na kalalakihan na sakay ng motorsiklo ang tumigil sa harap ng coffee shop ng broadcaster, dalawa dito ang gunman at dalawa ang nagmamaneho ng motor.

Naniniwala si Taberna na pananakot lamang ang motibo ng mga suspek.

“Kung ang gusto talaga nila dito ay manakit, to inflict harm on anyone, ay gagawin nila ito sa ibang araw, oras o kaya ay hanapin nila kung sino ang nandito, baka may magawa sa loob o tyempuhan nila na nandito ako,” pahayag ni Taberna sa dzMM.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/psn-metro/2015/08/28/1493260/coffe-shop-ni-anthony-taberna-pinaulanan-ng-bala

August 28, 2015 @ 05:25 PM