Sa ika-apat na pagkakataon, bumisita sa bansa si Fil-Am Miami Heat head coach Erik Spoelstra.
Mas espesyal ang kanyang pagbisita ngayon dahil dala niya ang 2012 NBA Championship trophy, na maaaring makita ng mg Pinoy basketball fans. Nagpasalamat si Spoelstra sa suporta ng mga Pilipino sa kanya at sa kanyang koponang Miami Heat. Ayon sa kanya, lubos ang pasasalamat ng Miami Heat players at buong organization sa mga Pinoy fans nila.
Bagama’t busy ang kanyang schedule, gusto umano niyang makabisita sa Pilipinas kahit isang linggo lamang. Dumating si Coach Spo sa bansa noong Miyerkules at kaagad nanood ng Game Five ng PBA Governors Cup Finals. Nag-courtesy call din si Spoelstra kay Pangulong Noynoy Aquino at binigyan niya ang Pangulong ng Miami Heat jersey.