CGMA, PINAYAGANG MAKABISITA SA KAPATID NA NASA OSPITAL

Gloria-Macapagal-Arroyo-Philippine-flag

Inaprubahan ng Sandiganbayan ngayong Lunes ang hirit ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na mabisita ang kapatid na nasa ospital.

Pinayagan ng korte si Arroyo na bisitahin si Arturo dela Rosa Macapagal ganap na alas-3 hanggang alas-8 ng gabi bukas sa Makati Medical Center.

Nakikipaglaban ang nakatatandang Macapagal sa stage four prostate cancer.

Nilinaw naman ng Sandiganbayan na walang pondo ng gobyerno ang gagastusin sa pagbisita ng dating pangulo.

Naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center para sa kasong plunder kaugnay ng maanomalyang paggasta sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

 

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/10/1486520/arroyo-pinayagang-mabisita-ang-kapatid

August 10, 2015 @ 08:45 PM