CBCP AT VP BINAY, NANAWAGAN SA PUBLIKO NA IPAGDASAL ANG MGA BIKTIMA NG LINDOL SA KABISAYAAN

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) gayundin si Vice Presi­dent Jejomar Binay sa publiko na manalangin para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa ­Visayas region na ikinasawi ng mahigit sa 20-katao at pagkasira pa ng mga gusali.
Ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, kailangan nga­yon ng pagdarasal para sa mga nasawi at nasugatan at mga nawalan ng tira­han dahil sa magnitude 7.2 na lindol upang madaling matanggap ng mga ito ang pangyayari.

Nasira ng lindol ang ilang itinuturing na heri­tage churches sa Bohol kabilang ang Our ­Lady of the Immaculate Conception Church sa bayan­ ng Baclayon na isa sa pinakamatandang simbahan sa bansa.

Sinabi pa ni Bishop Medroso na bagama’t hindi nagtamo ng malaking sira ang simbahan sa Bohol ay ilang antique sta­tues ng mga santo ang nasira. Sa Cebu City ay sinira ng lindol ang mataas na bahagi ng Basilica Minore del Sto. Niño.

Nanawagan din kahapon si Vice President Jejomar Binay na ipagdasal ang mga biktima ng lindol.

“I ask everyone to pray for those who were hit by the earthquake and the recent typhoons. Let us pray for their safety and for strength to overcome this difficult time,” pahayag ni Binay sa isang statement.

“Let us also pray for our country, that we be spared from further calamities,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Binay na magbibigay din ang kanyang tanggapan ng relief assistance para sa mga nasalanta at nanawagan pa ito sa publiko na tumulong sa mga survivors ng nasabing lindol.

“The survivors will need food, water, medicines, clothes, blankets and basic toiletries. I ask everyone to donate whatever you have to help ease the sufferings of our kababayans,” ani Binay.

“In times like these, we need to look beyond ourselves and see how we can alleviate the pains of ­others,” sabi pa nito.

 

NEWS ARTICLE FROM http://www.abante-tonite.com/issue

http://www.abante-tonite.com/issue/oct1613/news_story02.htm#.Ul6qLFBQFrw

October 16, 2013 @ 08:04 AM