CAVs magiging UNDERDOG lang sa NBA FINALS REMATCH kontra WARRIORS

proxy

Bagama’t maglalaro ang Cleveland Cavaliers na kumpleto ang kanilang ‘Big Three’ ay tatayo pa rin silang underdog sa rematch nila ng nagdedepensang Golden State Warriors sa NBA Finals.

Ngunit para kay LeBron James, nasa kanyang ikaanim na sunod na NBA Finals kasama ang apat sa Miami Heat, hindi niya iniintindi ang kanilang pagiging 1-2 underdog.

“Not my concern,” wika ni James. “I don’t get involved in all of that — underdog, overdog, whatever  the case may be. It’s stupi­dity. We’re better built to start the Finals than we were last year.”

Kumpara noong nakaraang taon, ipaparada ng Cavs ang kanilang “Big Three” na sina James, forward Kevin Love at guard Kyrie Irving.

Solong kumayod si Ja­mes sa nakaarang NBA Finals matapos magkaroon ng injury sina Love at Irving na sinamantala ng Warriors para kunin ang 4-2 panalo sa serye.

Para naman sa Warriors, inasahan na ang ka­nilang pag-abante sa NBA Finals matapos kumamada ng record na 73 panalo sa regular season.

Ngunit ang right ankle injury ang nagpaupo kay Stephen Curry sa dalawang laro sa first round laban sa Houston Rockets kasunod ang right knee sprain.

Subalit pinatunayan ng Warriors na malalim ang kanilang bench nang sibakin ang Rockets at Portland Trail Blazers kasunod ang Oklahoma City Thunder sa Western Conference Finals.

Rumesbak ang Warriors mula sa 1-3 pagkakabaon para balikan ang Thunder sa Game 7.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com:8080/psn-palaro/2016/06/03/1589498/cavs-tatayong-underdog-sa-rematch-ng-nba-finals-vs-warriors

June 3, 2016 @ 04:24 PM