CASUALTY NI BASYANG, UMABOT SA 6 – NDRRMC

Umakyat pa sa anim ang naiwang patay ng Bagyong Basyang sa bansa.

Sa talaan ng National Disaster Risk Reducton and Management Council (NDRRMC), tatlong taga-Cebu kabilang ang isang limang taong gulang na batang lalaki ang nasawi sa kasagsagan ng bagyo.

Nasa 83 bahay ang napinsala ni Basyang habang ilang kalsada rin sa Cebu at Southern Leyte ang hindi madaaan dahil sa landslide at debris na idinulot ng bagyo.

Lumobo pa ngayon sa halos 43,000 ang apektadong indibidwal sa siyam na lalawigang binayo ng bagyo.

Tuloy naman ang pag-ayuda ng DSWD sa mahigit 1,000 pamilyang nananatili sa mga evacuation center.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

February 3, 2014 @ 10:22 AM