CAMSUR CONGRESSWOMAN LENI ROBREDO, NILILIGAWAN BILANG VP

11909812_1120944354585589_670623677_n

Pormal nang inalok ni Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II si Camarines Sur Rep. Leni Robredo upang maging runningmate niya sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kinumpirma ni Robredo na inalo siya ni Roxas na tumakbong bise presidente.

Wala pa namang desisyon ang kongresista kung tatakbo ba siya sa mas mataas na posisyon sa ilalim ng tiket ng Liberal Party.

Aniya kailangan muna niyang marinig ang opinyon ng kaniyang mga anak.

Nauna nang sinabi ni Robredo na tatakbo lamang siyang bise president kung wala nang ibang pwede pa.

Patuloy ang paghahanap ni Roxas ng makakatambal sa 2016 matapos tanggihan ni Sen. Grace Poe ang kaniyang alok.

Makakalaban ni Roxas si Poe na tatakbo bilang independent candidate kasama ni Sen. Francis Escudero.

 

 

SOURCe:

http://www.philstar.com/bansa/2015/09/18/1501210/mar-inalok-si-robredo-maging-vp-sa-2016

September 18, 2015 @ 05:12 PM