BWELTA NG PALASYO: ‘HARING’ BINAY, WALANG KREDIBILIDAD

11758834_1094741577205867_395670940_n

Tila wala pang balak huminto sa pagsasagutan ang kampo ni Bise Presidente Jejomar Binay at Malacanang sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda

Matapos mauwi sa paggamit ng gay lingo ang kampo ni Binay upang batikusin ang pinakahuling State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino, nagsalita si Lacierda tungkol sa umano’y pagiging diktador ng Pangulo.

“Mr. Vice President, lest anyone forget, you were the first to say you want “ONE TO SAWA” or “UNLI POWER” to stay in power forever. And when people sensed your greedy ambition to remain forever as parang HARING BINAY at hindi lang Vice President or President, you reminded LP na walang forever,” pahayag ni Lacierda sa isang Facebook post kahapon.

“I honestly don’t know where you get the gall to say things that you know na babalik sa inyo,” dagdag niya.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Pangulo na walang kredebilidad si Binay na tirahin ang gobyerno dahil sa patuloy na pag-iwas niya na sumagot sa mga isyu laban sa kaniya.

“Kung sa tingin nyo na you are being bullied in cyberspace, don’t you think it is because wala kayong credibilidad to accuse this government of dictatorship when you want to become Haring Binay forever or to talk about corruption when you cannot even answer the corruption allegations like Hacienda Binay or the Anti-Money Laundering (AMLA ) Report?”

Sinabi ni Lacierda nitong nakaraang linggo na “charot” o joke lang ang sariling bersyon ni Binay na SONA na sinagot naman ng pinuno ng kanilang media affairs.

“Imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu,” pahayag ni Joey Salgado na gumamit ng “gay lingo” pahayag ni ni Joey Salgado.

Mula nang magbitiw sa gabinete ni Aquino si Binay nitong Hunyo ay sunud-sunod na ang kaniyang tirada sa gobyernong tinawag din niyang manhid at palpak.

 

 

SOURCE:

http://www.philstar.com/bansa/2015/08/10/1486506/haring-binay-walang-kredebilidad-lacierda

August 10, 2015 @ 08:43 PM