BILANG ng NASAWI sa CHILE QUAKE, PUMALO sa 10

Pumalo na sa 10 ang bilang ng mga namatay sa lugar na tinamaan ng magnitude 8.3 na lindol sa Chile.

Mahigit isang milyong katao na rin ang inilikas sa mas ligtas na lugar.

Sa Illapel, nasa 1,800 katao ang naiwang walang maiinom na tubig.

Apektado rin ang daan-daang libong katao ng power interruption sa Coquimbo region na labis na napinsala ng lindol.

Una nang sinabi ni Chilean President Michelle Bachelet, mainam na huwag munang bumalik sa kanilang tahanan ang evacuees habang patuloy na minomonitor ng gobyerno ang sitwasyon.

Umabot pa hanggang French Polynesia, Pacific at Asya ang tsunami warning na inilabas ng Pacific Tsunami Warning Center kasunod ng nasabing lindol.

 

 

SOURCE:

http://www.bomboradyo.com/news/top-stories/item/121648-patay-sa-chile-earthquake-pumalo-na-sa-10#sthash.tYzuH6F8.dpuf

September 18, 2015 @ 05:08 PM