BAYAD SA NBI CLEARANCE, TUMAAS

P200 na ang bayad sa NBI clearance.

Ito na ngayon ang  halagang  dapat na ibayad ng mga kukuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigations (NBI)  sa buong bansa.

Kasabay nito agad na idinipensa ni Justice Secretary Leila de Lima ang dagdag na singil kung saan sinabi nito na kakaunti lang naman ang itinaas sa singil ng NBI clearance mula sa dating P115  nadagdagan ng  P85 ang babayaran   sa NBI clearance maging ito man ay local clearance o abroad.

Paliwanag ng kalihim, ang dagdag na bayad ay gagamitin  upang mapa- upgrade ang equipments ng ahensya, computers at iba pang mga gamit at  mapabilis ang serbisyo sa mga nais na kumuha ng NBI clearance.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://www.philstar.com/

March 22, 2014 @ 08:28 PM