BAR EXAM RESULTS, ILALABAS NGAYONG MARTES (MARSO 18, 2014)

Inaasahang ilalabas ngayong araw ang resulta ng bar exams.

Matatandaang nasa 5,293 ang nakatapos ng eksaminasyon sa loob ng apat na Linggo sa University of Sto. Tomas (UST) nitong Oktubre 2013.

Saklaw ng pagsusulit ang Political Law, Labor Law, Civil Law, Taxation, Commercial Law, Criminal Law, Remedial Law at Ethics.

80 porsyento ng exam ang essay-type, habang ang nalalabing 20 bahagdan ay multiple-choice questions.

Inaantabayan ngayon ang pag anunsiyo ni 2013 Bar Chair Associate Justice Arturo Brion ng Top 10 passers.

Habang ang kabuuang resulta naman ay i-a-upload sa website ng Supreme Court.

 

NEWS ARTICLE FROM : http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National

March 18, 2014 @ 09:46 AM